Published on

Kapalaran • Oktubre 16 – 31, 2026

 

Habang papalapit ang Halloween, hindi lang mga multo ang maaaring magparamdam. Baka may dating kakilala na biglang mag-message, isang oportunidad na akala mo ay wala nang pag-asa, o isang katotohanang matagal nang nasa harapan mo pero ngayon mo lang mapapansin. Sa ikalawang kalahati ng Oktubre, maging mapagmasid. Hindi lahat ng sorpresa ay nakakatakot, at hindi lahat ng mukhang maganda ay dapat agad pagkatiwalaan!

ARIES (Marso 21 - Abril 19)

May pagkakataong mapansin ang iyong sipag sa trabaho o negosyo, pero may kasamang dagdag na responsabilidad. Bago magsabi ng yes, tingnan muna kung kaya ng iyong schedule. Sa pag-ibig, huwag hayaang ang pride ang humarang sa isang magandang pagkakasundo.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20)

Isang financial concern ang maaaring magkaroon ng bagong solusyon. Huwag lang magpadala sa pangakong mabilis na kita. Sa romance, may taong maaaring magpakita ng lambing sa paraang hindi mo inaasahan. Baka panahon nang ibaba ang iyong guard, kahit kaunti.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 20)

May balitang maaaring magbukas ng bagong posibilidad. Makinig kahit sa mga usapang hindi mo sinasadyang marinig, pero iwasa ang magpakalat ng “marites” dahil hindi kumpirmado ang impormasyon. Sa love life, isang biro ang maaaring mapagkamalang seryosong pahayag. Linawin bago lumaki ang misunderstanding.

CANCER (Hunyo 21 - Hulyo 22)

May family matter na mangangailangan ng pasensya mo. Hindi mo kailangang solusyunan ang lahat, lalo na kung hindi naman ikaw ang may gawa ng problema. Sa pag-ibig, minsan, ang pinakamalaking twist ay hindi ang pagbabalik ng isang tao, kundi ang pagbabago ng nararamdaman mo para sa kaniya.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22)

Baka may makapansin sa talent mong matagal nang hindi nabibigyan ng pagkakataong makita. Huwag mahiya na ipakita ang kaya mo. Sa romance, may admirer na maaaring hindi mo napapansin. Pero kung committed ka na, tandaan na ang attention ay flattering, pero ang tiwala ay mas mahalaga.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 22)

May planong maaaring magbago sa huling minuto. Sa halip na mainis, tingnan kung may mas magandang alternatibo. Sa relasyon, huwag gawing detective ang sarili mo sa bawat pagbabago ng kilos ng partner. Kung may duda, magtanong nang direkta.

LIBRA (Setyembre 23 - Oktubre 22)

May bagong connection na maaaring magsimula sa isang simpleng invitation o online conversation. Huwag agad husgahan ang isang tao sa unang impression. Sa pag-ibig, birthday season man ay papatapos na, may dahilan ka pa ring mag-celebrate. Bigyan mo rin ng panahon ang sariling kaligayahan.

SCORPIO (Oktubre 23 - Nobyembre 21)

May isang lihim o impormasyong maaaring unti-unting lumabas. Huwag magmadaling kumampi hangga’t hindi mo alam ang buong kuwento. Sa romance, maaaring bumalik ang isang alaala, o mismong taong akala mo ay naka-move on ka na. Bago buksan ang lumang pinto, alalahanin kung bakit mo ito isinara.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 - Disyembre 21)

May pagkakataong lumabas sa nakasanayang routine, marahil sa pamamagitan ng isang invitation o bagong project. Subukan kung praktikal at ligtas. Sa love life, huwag puro plano sa hinaharap. Minsan, ang simpleng oras na magkasama ngayon ang siyang pinakakailangan.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19)

Huwag hintaying mapagod nang husto bago magpahinga. Hindi medalya ang pagiging laging busy! May financial o work decision na dapat pag-isipan nang mabuti. Sa relasyon, May taong may gustong sabihin sa iyo. Ang tanong, handa ka bang marinig ito?

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18)

May ideyang maaaring magmukhang kakaiba sa iba, pero may potential kung pag-aaralan mo muna. Huwag matakot mag-isip nang kakaiba, basta may malinaw na plano. Sa pag-ibig, isang mensahe mula sa nakaraan ang maaaring gumising sa iyong curiosity. Hindi ibig sabihin na kailangan mong sumagot.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20)

May simpleng kabutihang gagawin sa iyo na maaaring magpaalala kung sino ang tunay na nandiyan para sa iyo. Pahalagahan ang mga taong consistent, hindi lang ang mga magaling mangako. Sa romance, huwag umasa na mahuhulaan ng partner ang iyong iniisip. Minsan, kailangang sabihin ang gusto mong marinig o maramdaman.