Published on

Showbiz Extra • Enero 16 – 31, 2015

Ni Isagani Bartolome

JANELLA-SALVADOR-OH-MY-G
Janella Salvador

PANGAKO-SA-YO

INDAY-BOTEAlex-Gonzaga

Sharon Cuneta 49
Sharon Cuneta

Mga bagong soap ng ABS-CBN ngayong 2015

Mga naglalakihang artista ng Kapamilya Network ang matutunghayan sa bagong line up ng mga teleseryeng ipapalabas ngayong 2015.

Una sa listahan ay ang Will Never Say Goodbye na pangungunahan ng tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Nakasentro sa buhay ng isang masalimuot na pamilya iinog ang istorya ng Will Never Say Goodbye. Kasama sa teleseryeng ito sina Tonton Gutierrez, Assunta de Rossi, Jessy Mendiola, JC de Vera at Sam Concepcion. Ito ay sa direksyon ng mahusay na si Jerry Sineneng.

Sa Flordeliza ay muling masisilayan ang balik tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Tungkol sa isang ama na magkakaroon ng problema sa kaniyang dalawang pamilya tatakbo ang plot ng Flordeliza. Ipakikilala sa bagong soap na ito ang mga bagong child star ng ABS-CBN na sina Ashley Sarmiento at Rhed Bustamante. Kabilang din si Desiree del Valle sa cast at ito ay pamamahalaan ng batikang director Wenn Deramas.

Ang Inday Bote naman ay pagbibidahan ng bagong blockbuster star ng network na si Alex Gonzaga. Tungkol sa isang junk collector na makakatagpo ng magic bottle ang role ni Alex dito. Kasama ng magandang star sina Mateo Guidicelli, Kean Cipriano, Nikki Valdez at Smokey Manaloto.

Sa Oh My G! ay gagampanan ni Janella Salvador ang isang teenager na popular sa social media but is left wanting in her relationship. Pinagkatiwala ng network kay Janella ang seryeng ito matapos mapatunayan ang husay nito sa katatapos lamang na soap ang Please Be Careful With My Heart. Leading men niya dito sina Mario Mortel at Manolo Pedrosa.

Sa Nathaniel ay ipakikilala ang bagong child actor na si Marco Sala. Tungkol sa isang anghel na ipinadala sa lupa para sa isang mahalagang misyon iikot ang kuwentong ng telesryeng ito. Pagbibidahan din nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Coney Reyes, Pokwang, Isabelle Daza at Benjie Paras.

Ang inaabangan ng lahat ay ang bagong soap opera ng Kapamilya Network ay ang remake ng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sila ang papalit sa iconic roles na ginampanan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa noon. Tiyak na aabangan din ang mga confrontation scene nina Angelica Panganiban bilang Claudia Buenavista na unang ginampanan ni Jean Garcia at si Jodi Sta Maria bilang Amor Powers na ginampanan ni Eula Valdez noon. Ito ay muling pamamahalaan ni Rory Quintos na siyang nagdirehe ng unang Pangako Sa ‘Yo noon.

Sharon Cuneta – Nagdiwang ng birthday si Mega

Nagdiwang ng kaniyang ika-49 birthday si Sharon Cuneta kasama ang pamilya at dinaluhan din ng kaniyang mga malalapit na kaibigan. Makikitang malaki na ang inihulog ng katawan ni Mega na ikinatutuwa ng kaniyang mga fans.

Ayon sa mga kaibigan ni Sharon ay patuloy ang matinding pagsasakripisyo niya ngayon para mabawasan ang kaniyang timbang. Talagang sumusunod na siya sa disiplinang ipinayo ng kaniyang mga doktor.

Kuwarenta’y nuwebe anyos pa lang ang Megastar nitong January 6 at napakaaga pa niya para magretiro sa trabaho. Napakarami pang nakaabang na oportunidad sa kaniya kapag ang kaniyang timbang ay tama na sa paggawa ng pelikula.

Maraming tagahanga ang sabik na sabik na sa kaniyang pagbabalik-telebisyon at pelikula.

Have a comment about this article? Send us your feedback.