Published on

Sulong PinoyPinoy Trail Bikers sa St. Norbert Trail

Ni Norman A. Garcia

Sulong-Pinoy-2014-3Tinuturing na lugar ng kapanganakan ng Manitoba ang makasaysayang lugar na St. Norbert. Ang lugar na ito ay nagsilbing trading centre noong araw at sinaksihan ng “Resistance of 1869-70” na pinangunahan nina Louis Riel at Father Noël Ritchot. Ang kabayanihan na ito ang dahilan kaya naging bahagi ng Confederation ang Manitoba. Ang St. Norbert Heritage Trails ay bahagi ng Trans-Canada Trail, ang pinakamahabang trail system sa buong mundo. Ang trail na ito ay pinalilibutan ng Cloutier Drive sa hilaga at ng Red River Floodway sa timog. Ang kabuuang haba nito ay mahigit 30 kilometro at ginawa upang maging angkop sa iba’t ibang activities katulad ng walking, trail running, cross-country skiing, cycling at canoeing.

Dalawamput-apat (24) na miyembro ng Pinoy Trail Bikers (PTB) ang sumulong sa St. Norbert Trail noong ika-13 ng Hulyo, 2014 upang maranasan ang adventure dito. Pinangunahan ang ekpedisyon na ito nina Sam Fuentes at Jovil Valeros, na siyang nagsagawa ng “reconnaissance” isang linggo bago imbitahan ang grupo. Nagkita-kita muna ang mga miyembro sa St. Norbert Farmers Market para iparada ang kanilang mga sasakyan. Mula dito ay bumisikleta sila ng dalawang kilometro pa-hilaga sa Highway 75 papunta sa bungad ng St. Norbert Trail.

Ang bawat loop ng Norbert Trail ay may kabuuang haba na limang kilometro na binubuo ng iba’t ibang klase ng terrain tulad ng bato, loose gravel, steep inclines at declines, paiba-ibang elevations, malalaking ugat ng puno, at mga nakaharang na logs.

Bukod sa St. Norbert Trail, ang PTB ay regular na nagpupunta sa Bur Oak Trail sa Bird’s Hill tuwing hapon ng weekdays. Nag-i-iskedyul din ang grupo ng mga night rides para sa mga may headlamps. Kapag weekends naman, ang kadalasang destinasyon ay ang mga malalayong lugar tulad ng Morden, Falcon Lake, at Grand Beach.

Iilang linggo na lamang ay matatapos na ang summer. Kaya kung nasa bucket list mo ang trail mountain biking, samama na sa mga adventure ng PTB! Para sa karagdagang impormasyon, hanapin sa Facebook ang “Pinoy Trail Bikers – Winnipeg”.

Si Norman Aceron Garcia ay personal trainer at miyembro ng Sulong Triathlon Group (STG), Triathlon Manitoba. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.sulongtriathlon.org.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Mga larawan ni Norman A. Garcia

Sulong-Pinoy-2014-1 Sulong-Pinoy-2014-2
 Sulong-Pinoy-2014-5 Sulong-Pinoy-2014-4