Published on

Sulong Pinoy‘Di tayo pasisiil

By Norman Aceron Garcia

   lit.05
Pakikibakbakan ni Allan Manjares sa Morden Back 40 Race – Larawan ni Jovil Valeros

Naging aktibo ang mga Filipino ngayon taon na ito sa mga triathlon races na pinasinayaan ng Trathlon Manitoba. Ang mga races na ito ay ginanap sa Bird’s Hill Provincial Park, St. Malo Provincial Park, Colert Beach sa Morden, Rabbit Lake sa Kenora, Riding Mountain sa Wasagaming, at nagtapos sa Pinawa Sailing Beach. Ang kalahatang distansya na naibuno ng mga miyembro ay umabot sa 14 kilometre swim, 445 kilometre bike, at 102 kilometre run.

Triathlon

June 8 sa Bird’s Hill Provincial Park

  • Sprint Distance 750m swim, 25K bike, 5K run
  • Filipino finishers: Wystan Celestino, Norman A. Garcia, Armand Siapno, Max Santiago and Peter Tan
  • Organizer: Triple Threat Triathlon

June 21 sa St. Malo Provincial Park

  • Sprint Distance 750m swim, 20k bike, 5k run
  • Filipino finisher: Norman A. Garcia
  • Organizer: Tribalistic Triathlon Team

July 12 sa Colert Beach, Morden

  • Half-Ironman Distance 1.9K swim, 90K bike, 21.1K run
    Filipino finisher: Wystan Celestino
  • Foilman Distance: 950m swim, 30K bike, 10.5K run
    Filipino finisher: Norman A. Garcia
  • Organizer: Morden Triathlon

July 20 sa Rabbit Lake, Kenora

  • Sprint Distance Relay 750m swim, 20k bike, 5k run
  • Filipino finisher: Dennis Robles (bike leg)
  • Organizer: Kenora Borealis Multi-Sport Triathlon

August 16 sa Riding Mountain, Wasagaming

  • Olympic Distance 1500m swim, 40K bike, 10K run
  • Filipino finisher: Wystan Celestino
  • Organizer: Riding Mountain Triathlon

August 24 sa Pinawa Sailing Beach

  • Olympic Distance 1500m swim, 40K bike, 10K run
  • Filipino finishers: Jimmy Anis, Wystan Celestino, Norman A. Garcia
  • Organizer: Free Spirit Triathlon

Road bike races

Filipino finisher: Allan Manjares

  • 1st place, Spring Stage Race, 44 kms, April 27 sa Bird’s Hill Provincial Park
  • 15th place, Handicap Road Race, 44 kms, July 24 sa Bird’s Hill Provincial Park
  • 4th place, 40+ age group, Provincial Criterium Race, July 27 sa Royal Canadian Mint
  • 2nd place, Grand Pointe Race, August 6
  • 1st place, Grand Pointe Race, August 20
  • 9th place, Provincial Road Race, August 23 sa Roseisle, MB

Sa larangan naman ng road at mountain bike, naging aktibo rin ang ating mga kababayan sa mga races na sanctioned ng Manitoba Cycling Association. Nakipagpaligsahan dito ang mga miyembro ng Pinoy Trail Bikers Manitoba sa pangunguna ni Allan Ducusin, na nag-first place sa Morden Back 40 Race. Inaasahang na sa susunod na taon ay mas maraming PTB members ang sasali sa mga mountain bike races.

Mountain bike race

August 10 sa Morden Back 40 Race

  • 16 kms Filipino finishers: Allan Ducusin (1st place), Dave Matuguina, Dan Nicanor, Alex Tamayo, Jovil Valeros, Allan Villegas
  • 30 kms Filipino finishers: Mike Muñoz, Elmer Tobias
  • 80 kms Filipino finisher: Allan Manjares

Bagamat patapos na ang napakaikling summer at parating na ang malupit na winter, magpapatuloy pa rin ang mga indoor training bilang paghahanda sa 2015 race season. Ang swim training ay gaganapin tuwing katapusan ng linggo sa mga pools ng Cindy Klassen, Seven Oaks, North Centennial at Pan Am.

Kasalukuyang may 15 miyembro ang Sulong Triathlon Group – anim ang sumali ngayon taon na ito. Kamakailan lamang ay naidagdag ang dalawang Filipina na sina Myra Cheryl Paspe at Jaina So na maghahandang lumaro sa kanilang unang duathlon at triathlon races sa Manitoba sa 2015. Ang 2014 ay ikalawang race season pa lamang ng Sulong Tri ngunit napatunayan na kaya nating makipagsabayan sa sport na ito. Kaya 2015 race season, heto na kaming mga Pinoy, ‘di kami pasisiil!

Si Norman Aceron Garcia ay personal trainer at miyembro ng Sulong Triathlon Group, Triathlon Manitoba. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.sulongtriathlon.org.

lit.01 lit.02
Sa starting line ng Pinawa Olympic-distance triathlon – Larawan ni Amy Anis
Olympic Triathlon debut ni Jimmy Anis – Larawan ni Amy Anis
lit.03 lit.04
Bike-leg relay ni Dennis Robles sa Rabbit Lake, Kenora
Sprint triathlon debut nina Max Santiago at Armand Siapno – Larawan ni Dennis Flores
lit.06 lit.07
Sprint triathlon debut ni Peter Tan sa Bird’s Hill – Larawan ni Dennis Flores
Half-Ironman-distance triathlon debut ni Wystan Celestino sa Morden – Larawan ni Bert Celestino

Have a comment on this article? Send us your feedback