Published on

    Setyembre 1 - 15, 2011

 

Maligayang bati kay Ted Marcelino na siyang nakasungkit ng NDP nomination sa Tyndall Park.


Erata sa aking nakaraang komento: Hindi Senador Vic Sotto. Tito ang tama. I’m very sorry po.


Ang senaryo sa fall provincial election ay hindi pa rin nagbabago. Still tied for forty-four percent ng voters’ support ang PC at NDP, ayon sa survey. Fifty-seven constituencies ang pag-aagawan ng apat na partido. Malakas ang hatak ng PC sa rural areas. Sa city naman ang nasa poder na NDP. Change ang panlaban ng PC. Additional seats ang pangarap ng Liberal Party.


Masakit, malungkot at malaking kawalan sa Federal NDP si Jack Layton. Sa Enero gaganapin ang konbensiyon ng partido para pumili ng kahalili ni Layton. Sina Brian Topp, Thomas Mulcair, Libby Davies, Gary Doer, Robert Chisholm at Paul Dewar ang nababanggit na mga pangalang pagpipilian.


Ang Amerika ay nahaharap sa second recession. Maaaring epekto ng downgraded US credit rating. Political divide ang nakasisira sa ekonomiya ng bansa,” sabi ni Barack. Aba, normal ‘yon sa demokratikong bansa, kaya nga may political parties. Tulad ngayon, apat nang republicans ang may planong pumalit kay Obama. Si Ricky Perry, Ron Paul, Michele Backmann at Mitt Romney.

Sa Pilipinas

Unti-unti nang nahahalata sa body language ni Kano kaya naganap ang sekretong meeting ni PNoy at Al Haji Murad sa Japan. Ang hirit na Bansangmoro sub-state ng MILF ay maaaring tungkol sa hangarin ng US na magkaroon ng base militar sa Mindanao?


Noong si Kristie Kenney ang US Ambassador sa Pilipinas, labas-masok siya sa kampo ng mga Muslim sa Mindanao. Ngayon naman, si Harry Thomas na sugo ng Washington sa Maynila ay nagsabing kailangang magkaroon ng Cha Cha. Alam kasi niya na ang sub-state sa Mindanao eh, malabong mangyari without amending the 1987 Constitution. Marahil, mas okey sa Kano na makipag-deal sa mga opisyal ng sub-state?


Katahimikan? Paano mangyayari ‘yon eh, sabog ang mga Muslim doon. Apat ang paksiyon sa Mindanao. MILF at ARMM ang mahigpit na magkalaban.


Positibo at negatibo ang resulta ng mataas na halaga ng piso. Mataas ang purchasing power ng perang Filipino. Lugi naman ang OFW remittances. Maliit ang sukli sa piso ng dollar from export products.


Kabaligtaran sa palagay ng mga ekonomista ng mauunlad na bansa ang sinasabi ng planning authorities ni PNoy. Uunlad daw ang kabuhayan sa bandang kalagitnaan ng taong kasalukuyan. Ha?


Sa dinamidami ng nangyayaring mali sa Pilipinas, nadagdagan pa: “Paglapastangan sa Diyos at Kristiyanismo.” Pinayagan ng mga alipores ni PNoy sa Cultural Center of the Philippines ang sacrilegious and blasphemous exhibits ng isang “kulokoy.” Ang pangulo ay saradong Katoliko. Mala-santa naman ang turing kay Tita Cory. Hinintay munang mabatikos bago gumawa ng aksiyon? Buti naman, bagama’t hindi nagsipag-resign, sinabon sa Senado at binigyan ng warning ang CCP board members na lumihis sa “tuwid na daan” ni Noynoy.


Ang mga guro ay pangalawang magulang ng mga batang mag-aaral. Lalong dadami ang mga Pinoy na walang displina paglaki ng mga hindi naturuan ng magandang asal habang nasa elementarya.


Good news. May 13-milyong ektaryang lupa sa kailaliman ng karagatang malapit sa baybayin ng Aurora hanggang Isabela na may mga mina ng gas at langis na maaaring maangkin ng Pilipinas, ayon sa DENR. Ang problema eh, saan kukuha ng pang-gastos sa pagtuklas at makuha ang mga katutubong-yaman?


Kasalukuyang naglilinis ng sariling bakuran si Chief SC Justice Renato Corona. May 35 justices at mga tauhan ng korte ang napatalsik na raw dahil sa mga kasong nakakasira sa imahen ng justice system sa bansa. Buti naman.


Ang listahan ng AFP-PNP modernization items ay dapat nililihim. Hindi rin dapat ang bonggang publisidad sa bagong-lumang warship na binista ni PNoy na kung saan eh, nagsalita pa na waring naghahamon. BRP Gregorio del Pilar ang bagong pangalan ng forty-six years old na ukay-ukay o surplus US Warship Hamilton. Binenta ni Kano sa Pinoy sa halagang humigit-kumulang four-hundred US dollars.


Wala sa panahon kung magkaroon ngayon ng dagdag at panibagong taxes sa mga produkto tulad ng sigarilyo. Mamalasin ang mga lihitimong nasa negosyo, smugglers ang susuwertihin.


Government witch-hunts driving away investors, sabi ni FVR. Naku hindi po. Ang mga kapitalista kaya umaalis sa bansa ay dahil sa peace and order at grabeng kurakutan. Naalis pa sa bukabularyo ni PNoy ang mag-sorry sa kapalpakan ng kaniyang mga alipores?


Tungkol sa nangyaring dayaan noong 2004 presidential elections, sinabi ni Gloria na “I am sorry.” Pinayagan naman siya ng mga tao na magpatuloy ng karagdagang anim na taon bilang pangulo. Maliban sa history and grand standings, ang DoJ-COMELEC and senate investigation ay pag-aaksaya lang ng panahon at pera ng taxpayers.


Bakit kailangang may mga kondisyon pa kung tunay na si Gloria eh, pinapayagang magpagamot sa ibang bansa? Si Ninoy na daddy ni Noynoy ay pinayagan noon ng mga Marcos na magpagamot sa US na walang kondisyon. Sinabi ni Imelda, “buhay ng isang tao ang nakataya.” Oo naman, dapat pairalin ang diwang kristiyano sa halip na utak-berdugo.


Buti, kahit dalawang-taon, si Koko Pimentel ay natiran ng mga biyaya sa pagka-senador. Kung hindi pa nagkusang magbitiw si Migz Subiri, baka nabagoong sa SET ang protesta ng anak ni Lolo Nene.


Naiinip na si Sen. Antonio Trillanes sa mabagal na aksyon ng DOJ laban sa mga kasong kurakutan ng nagdaang administrasyon. Sa pag-uusap nila ni PNoy, minungkahi niya ang pagsibak kay DoJ Sec. Leila De Lima. She’s the “weakest link” sa gobyernong Aquino. Magaling lang sa press conference, walang sariling naisampang kaso, sabi ni Trillanes.


Noong agaw-buhay si Mike sa St. Lukes’ Hospital, iniwan siya ni Gloria, nagpunta sa China. Nitong huli, nag-Hong Kong naman si Mike, samantalang nasa mapanganib na operasyon si Gloria. Ngayon, marahil ibayong kalungkutan ang nararanasan ng mariwasa at dating makapangyarihang mag-asawa.


Ano na nga ba ang nangyayari sa “daang matuwid” ng gobyernong Aquino? Hanggang sa ngayon ay nananatiling plano. May natupad na bang pinangako sa tao? Ang “walang kurap, walang mahirap” ay nabaligtad. Dumadami ang naghihirap dahil nadagdagan ang mga kurap. May nakulong na ba? Wala pa, puro balita lang. Ang naging kahulugan ng “wangwang” eh, maghintay at magtiis ng gutom. Malaking bahagi ng taxpayers money at marahil pati inutang ng gobyerno ay sa dole out and non-productive project napupunta. Hindi sa edukasyon at produksiyon ng pagkain. Maraming hindi makapag-aral dahil sa pangakong napako. Palpak na pamumuno ang dahilan. Hindi lang nakakalungkot, nakakainis ang nangyayari ngayon sa dating “bayang magiliw.”

Kuwento

Isang 70 taong gulang na lalaki ang naniwala sa napapanood at naririnig sa TV. “Ang paglalakad ay maganda sa kalusugan ng katawan.” Nagpaalam sa mga kasama sa bahay na siya’y maglalakad. Hindi na bumabalik at hindi rin malaman kung saan nakarating si Lolo.


Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhaynewspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca

Have a comment on this article? Send us your feedback

1