Published on

CINDY GILROY ADMabuhay!

Mga mahal kong Kababayan/Kapitbahay:

Cindy Gilroy po, kasalukuyang Konsehal ng lungsod ng Winnipeg, Daniel McIntyre Ward. Nais ko pong hilingin ang inyong suporta sa aking re-election bilang Konsehal sa pangalawang pagkakataon.

Ako po ay lumaki dito sa Daniel McIntyre, dito ko rin pinalaki ang aking dalawang anak na babae, at sa kasalukuyan ay inyong kapitbahay. Palagi akong tumutulong at maaasahan sa anumang proyekto ng ating komunidad na tunay na mahal sa akin.

Sa aking paglilingkod bilang Konsehal, nagawa ko ang pagsasa-ayos ng iba’t-ibang pasilidad dito: ang mga palaruan, pasyalan, park, mga kalsada, sidewalk, at backlanes. Kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan ang patuloy kong ipaglilingkod sa ating lugar.

Bilang inyong Konsehal, ako po ay may madalas na pakikipanayam sa ating lugar na ginaganap sa Cindy Klassen, nakikinig sa mga problema, at mga nais isangguni ninyo. Ang madalas na napag-uusapan ay ang pagkakaisa, pagsasama-sama, at pagtutulungan ng mga naninirahan dito.

Sumusuporta din po ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng grants sa iba’t-ibang pangangailangan ng ating komunidad. Sa inyong pakiki-isa at pagtulong, maraming pasilidad ang napaayos, napaunlad, at maaasahan po natin ang patuloy na gagawing mahalaga ang 311 service.

Bilang tagapamuno ng Unsafe Cities Committee, the Citizen Equity Committee, the Citizen Innovation Committee, at miyembro ng Executive Policy Committee, nagawa kong maimpluwensiyahan ang mga desisyon sa mga komiteng ito.

Hinihiling ko ang inyong suporta sa aking re-election upang maipagpatutoy natin ang lahat ng nagawa na at mga gagawin pa sa ika-uunlad ng ating lugar.

Ang aking pangunahing gagawin ay ang pagpapatuloy ng pakikiisa sa inyong lahat para sa kaunlaran, katahimikan, kaligtasan, at transportasyon.

Sa aking nakaraang paglilingkod bilang Konsehal, napatunayan ko na ang sama-samang paggawa ay higit na nagbigay ng kaunlaran. Kung kaya, muli, hinihiling at hinahangad ko ang inyong tulong upang maipagpatuloy ang kaunlaran na kasalukuyang nangyayari at mangyayari pa sa kinabukasan. Maraming salamat po.